LeBron bumawi sa Pacers

LeBron bumawi sa Pacers

November 25, 2021 @ 12:39 PM 3 days ago


INDIANAPOLIS — Matapos isilbi ang kanyang one game suspension, pinangunahan ni LeBron James ang Los Angeles Lakers sa panalo sa overtime kontra sa Indiana Pacers, 124-116.

Kumamada si James ng 37 points, six assists at five rebounds habang si Anthony Davis ay namahinga dahil sa flu-like symptoms.

Matatandaang noong Lunes, sa panalo kontra sa Detroit Pistons ay na-eject sa laro si James matapos nitong aksidenteng masuntok si center Isaiah Steward sa mukha na nagresulta sa pagdurugo.

Dahil sa pangyayari, sinuspinde ng NBA si LeBron at hindi ito nakapaglaro sa naging pagkatalo ng Lakers kontra sa New York nitong Miyerkules ng gabi.

Tinapos ng Lakers ang kanilang five-game trip na may may dalawang panalo.

Pinangunahan naman nina Malcolm Brogdon ang Indiana na may 28 points at Chris Duarte, 17.

Nanatili ang kalamangan ng Indiana hanggang sa mag-init si Malik Monk at isinalpak ang go-ahead 3 pointers habang may natitira pang 4:35 sa regulasyon.

Sa overtime, unang pumasok ang 3 pointers in James upang makuha ang tatlong puntos a kalamangan, 117-114 sa natitirang 2:51.

Matapos ang isang minuto muli itong kumana ng isa pang 3 points para mapalawig ang kalamangan at isang midrange  jumper ni  Wayne Ellington ang sumelyo sa laban para sa Lakers. Tanging isang basket lang ang nagawa ng Indiana sa huling tatlong minuto.JC