Lebron, hindi first choice ang Lakers?

Lebron, hindi first choice ang Lakers?

August 1, 2018 @ 1:00 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Pumirma si Lebron James sa Basketball team na Los Angeles Lakers noong July 9, 2018, ngunit ayon sa isang panayam, hindi naging madali kay James na pumili ng team matapos ang NBA finals.

Sinabi ito ni James nang binuksan ang kaniyang pinatayong eskwelahan na “I Promise School” sa Akron, Ohio at nagbigay siya ng pahayag ukol sa kaniyang pinaghirapan na paaralan kung saan pinag-usapan din nila ang basketball.

Ibinunyag ni James kung anu-ano ang mga teams na kaniyang pinagpipilian bago siya pumirma sa LA Lakers.

“I did my due diligence after the season on the pros and cons on a lot of different teams, including the Cavs and including Philadelphia, including Houston and Los Angeles,” ani ni James.

“So it wasn’t as quick as it may seem. It just wasn’t July 9 like it was before. So after talking to my family more than anybody, I felt like this was the next step in my journey.” dagdag pa niya.

Isinaalang-alang ni James ang 4 na team na kaniyang pinagpipilian dahil ang Rockets, Lakers, Philadelphia at Cavs ay talagang gustong makuha si James para makapaglaro sa susunod na Playoffs. At sa huli ay nagwagi ang Lakers na makuha si James at talagang “Dream Come True” kay James na makapaglaro sa Los Angeles Lakers. Remate News Team/Intern, Maverick Lagaria