LeBron James, ayaw na sa Cavs?

LeBron James, ayaw na sa Cavs?

June 30, 2018 @ 10:30 AM 4 years ago


NBA – Bigo ang Cleveland Cavaliers na mapanatili ang kanilang big time player na si LeBron James sa kanilang koponan.

Ayon sa Cavs, tinanggihan ni James ang kanilang contract option na $35.6 million para maging free agent.

Inanunsiyo nito ang desisyon ilang oras bago magtapos ang deadline ng kaniyang kontrata sa Cavs.

Magugunitang pinag-aagawan ng Los Angeles Lakers, Houston Rockets at Philadelphia 76ers ang four-time NBA Most Valuable Player.

Handa naman ang Cavs na magbigay ng $209 million na five-year-deal kay James sakaling magbago ang isip nito. (Remate News Team)