Lebron James, nagbukas ng paaralan sa Ohio

Lebron James, nagbukas ng paaralan sa Ohio

July 31, 2018 @ 1:28 PM 5 years ago


 

Ohio, United States – Pinangunahan ni Lebron James ang pagbubukas ng Akron Public School sa Ohio bilang pagtupad sa kanyang pangako na I Promise School.

Tinayo ang paaralan para sa nasa 240 at-risk na estudyante ng grades 3 and 4 na proyekto ng Lebron James Family Foundation para bigyan ng oportunidad ang mga bata na mag-aral sa kabila ng mahihirap na sitwasyon sa buhay.

Noong Nobyembre ng nakaraang  taon lumapit ang Lebron James Family Foundation sa school ng Akron board upang magbigay ng tulong sa paglikha ng paaralang magbibigay tulong sa mga batang may problema sa pag-aaral at sa kanilang mga bahay.

Ang kaibahan ng paaralang ito mula sa iba ay mayroon itong mas mahabang school year na nakatuon sa pagtulong sa mga bata na maka catch-up sa kanilang mga leksyon.

Matatandaang noong 2011 pinondohan din ni Lebron ang “Wheels for Education” program na nagbigay ng school supplies at computer access sa mga estudyante.

Para kay Lebron, lahat ng bata ay may pantay na karapatan upang mag-aral at mangarap kaya’t kung kaya naman raw niyang makatulong ay bakit hindi. Remate News Team