Lebron kasama na  si Kareem Abdul-Jabbar sa elite club

Lebron kasama na  si Kareem Abdul-Jabbar sa elite club

January 16, 2023 @ 4:35 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Naging pangalawang manlalaro si LeBron James ngayong Linggo (Lunes sa Manila) sa kasaysayan ng NBA na umiskor ng mahigit 38,000 puntos, kasama si Kareem Abdul-Jabbar sa isang elite club.

Naabot ni James ang milestone sa laro ng Los Angeles Lakers laban sa Philadelphia 76ers.

Sumalpak ang  apat na beses na NBA Most Valuable Player ng isang jump shot mula sa tuktok upang maabot ang 38,001 puntos sa kanyang kumikinang na karera.

Hinahabol ng “King” ang all-time NBA scoring record na hawak ni Abdul-Jabbar, na may kabuuang 38,367 puntos sa kanyang sariling maalamat na karera.

Sa pagpasok ng laro noong Linggo, si James ay nag-average ng 29.0 points sa 50.3% shooting para sa Lakers.

Isang four-time champion, si James ay may career average na 27.2 points, 7.5 rebounds, at 7.3 assists kada laro.JC