Lebron lalaro sa Gilas

Lebron lalaro sa Gilas

February 15, 2022 @ 2:57 PM 5 months ago


MANILA, Philippines – Kasama na si Francis “Lebron” Lopez sa pagsabak ng Gilas Pilipinas national team sa February window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Sa isang Instagram story na ipinost ni head coach Chot Reyes noong Lunes, Pebrero 14, nakita ang 18-anyos na cager na nakikipag-warm-up kasama ang mga nationals halos 10 araw bago ang qualifying tournament.

Iniulat na may mga isyu sa visa si Lopez na humahadlang sa kanyang paglalaro sa Overtime Elite League—isang bagong nabuong liga sa US na maaaring magsilbing daan patungo sa NBA.

“The new and the old,” ani Reyes sa caption na ipinares sa isang bandila ng Pilipinas.