LeBron nagpasikat sa Drew League

LeBron nagpasikat sa Drew League

July 17, 2022 @ 2:02 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinasaya ni Los Angeles Lakers superstar LeBron James ang mga fan na nanood sa Drew League, isang pro-am summer basketball league na nakabase sa Los Angeles, kung saan lumalahok ang mga manlalaro ng NBA.

Sa kauna-unahang pagkakataon, mula noong 2011, nang isara ang NBA dahil sa isang lockout, si LeBron ay naglaro upang magpasikat at pasayahin ang mga fans.

Nagsanib-pwersa ang Los Angeles Lakers star at Chicago Bulls guard DeMar DeRozan sa MMV Cheaters squad, na humarap sa Black Pearl.

 Pinangunahan ni James ang kanyang squad sa 104-102 panalo, at kumamada ito ng 42 puntos, 16 rebounds at 4 steals habang si DeRozan ay umambag ng 30 puntos at 14 na rebounds.

Ang competitive fire ni James ay naroroon kahit na sa pro-am match, dahil pinagtatalunan niya ang isang tawag sa mga referees ng Drew League sa huli ng laro.

Nanood sa laro si Golden State Warriors forward Draymond Green at maging si Quavo ng hip-hop group na Migos.

Inaasahang namang lalaro si Brooklyn Nets star Kyrie Irving, na na-link sa Lakers sa trade talks, sa mga susunod na araw.JC