LeBron, opisyal ng miyembro ng Lakers

LeBron, opisyal ng miyembro ng Lakers

July 10, 2018 @ 12:17 PM 5 years ago


 

Opisyal ng miyembro ng Lakers ang NBA star na si LeBron James matapos niyang lagdaan ang apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng $154 million, kahapon (July 9).

Sa social media, nagpost ang Klutch Sports Group ng litrato ni James kasama sina Rich Paul at Lakers general manager na si Rob Pelinka upang kumpirmahin ang balita.

“Today is a great day for the Lakers organization and Lakers fans all over the world to welcome LeBron James, a three-time NBA Champion and four-time NBA MVP,” sabi ni Lakers president of basketball operations Magic Johnson sa isang statement. 

“LeBron is special. He is the best player in the world. He loves to compete and is an awesome leader who is about winning and making sure that his teammates are successful. The Lakers players are excited to have a teammate who has been to nine NBA Finals. It’s a huge step closer to returning the Lakers to the playoffs and to the NBA Finals.”

Si James, 33-anyos, ay mayroong average na 27.2 points, 7.4 rebounds and 7.2 assists per game sa 1,143 career contests.

Siya rin ang pinangalan ng tatlong beses bilang NBA Finals MVP.

Unang ginugol ni James ang kaniyang unang seven seasons sa kuponan ng Cleveland Cavaliers, sa sumunod na four seasons naman ay sa Miami Heat at bumalik muli siya sa Cleveland noong huling apat na season.

Matapos magkasundo sa mga kondisyon ni James noong nakaraang linggo, tuluyan nang pumayag ang Lakers sa deal pati na ang mga free agents na sina Rajon Rondo, Lance Stephenson at JaVale McGee at pumayag ding ibalik si Kentavious Caldwell-Pope sa laro.

Ito ay opisyal na inanunsyo noong nakaraang linggo. (Remate News Team)