Lebron sa Cavs pa rin?

Lebron sa Cavs pa rin?

June 23, 2018 @ 4:48 PM 4 years ago


Umaasa ang pamunuan ng Cleveland Cavaliers na mananatili ang kanilang star player na si LeBron James sa koponan upang muling pangunahan ang kanilang kampanya para sa kampeonato.

Ayon sa ulat, natutuwa ang Cavs dahil patuloy ang pag-uusap ng kinatawan ni LeBron sa pamunuan ng Cleveland.

Matapos ang NBA draft, sinabi ni Cavs general manager Koby Altman na nagkaroon sila ng positibong pulong sa grupo ng three-time champion at mayroon lang si James na hanggang June 29 kung tatanggapin niya ang US$35.6 million option para sa next season o magiging free agent.

“We continue to have good dialogue with his management team,” ani Altman. “I think LeBron has more than earned the right to approach his contracts the way he does. He’s done that before, so this is nothing new for us. We want to respect his space during this process and I continue to have really good dialogue with his management team as he goes through that process.

Pinangunahan ni James ang Cavs para sa kanilang fourth straight NBA Finals sa katatapos na season, kungsaan binuhat nito ang koponan sa kabila ng injuries at kakulangan sa manlalaro.

Matapos ang nalasap na mapait ng pagkatalo sa Game 4, sinabi ni LeBron na titimbangin muna niya ang sasabihin ng kanyang pamilya at kanyang kagustuhang manalo ng maraming titulo para sa kanyang magiging desisyon.

Ilang maigsing kontrata na ang pinirmahan ni James simula ng magbalik ito sa Cavs noong 2014 matapos maglaro ng apat ng seasons sa Miami.

Matapos masungkit ng Cavs ang kampeonato noong 2016, pumirma si James ng two-year contract na may option para ngayong season.

Ooperan umano ng Cavs si LeBron ng five-year, $209 million deal ngayon.  Posible umanong pumirmang muli si James ng one-year deal na may player option at pumasok sa free-agency sa susunod na summer.

Para manatili sa koponan, kailangang i-upgrade ng Cavs ang kanilang roster kungsaan kinuha nila si Alabama point guard Collin Sexton sa kanilang No. 8 overall pick. (Stan Yabot)