Lechon pinagpiyestahan sa Carcar, Cebu

Lechon pinagpiyestahan sa Carcar, Cebu

March 18, 2023 @ 10:10 AM 1 week ago


CARCAR, Cebu- Pinagpiyestahan ang lechon at iba pang putahe ng karneng baboy, ng ilang opisyal sa Carcar Cebu, para ipakita na kontrolado ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa nasabing bayan.

Kinumpirma ni City veterinarian Mary Ann Gabona, na tatlong barangay lang ang nakitaan ng ASF sa nabanggit na bayan at isa Sitio ang apektado.

Matatandaan na noong Martes, sinabi ng tanggapan ng city veterinary na isinailalim sa state of calamity ang tatlong barangay sa Carcar dahil sa ASF.

Napailing na lamang din ang isang hog raiser dahil aabot sa P300,000 ang nawala sa kanya dahil sa culling kung saan 600 na baboy ang kailangan ilibing sa nasabing apektadong lugar.

Habang nasa 30 kilo naman ng mga produktong baboy ang naharang ng mga awtoridad sa isang daungan sa Tagbilaran City, Bohol, bilang bahagi ng kanilang mga hakbang upang makontrol ang ASF at mapangalagaan ang P6-bilyong industriya ng baboy sa lalawigan.

Nanindigan naman si Cebu Governor Gwendolyn Fiel Garcia, na gumagawa sila ng sariling hakbang para lutasin ang pagkalat ASF at hindi sa pamamagitan ng paglilibing ng mga baboy. Mary Anne Sapico