LEDAC meeting hirit ni Zubiri pagkatapos ng SONA para sa priority bills ni Marcos

LEDAC meeting hirit ni Zubiri pagkatapos ng SONA para sa priority bills ni Marcos

July 16, 2022 @ 9:00 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Gustong pagpulungin ni incoming Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) matapos ang State of the Nation Address (SONA) upang talakayin ang priority bills ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 19th Congress.

“What is important is that we convene the LEDAC right after the SONA so we can discuss the direction and request of the executive department in terms of legislation,” ayon kay Zubiri sa Viber message sa reporters.

Reaksiyon ito ni Zubiri sa rightsizing sa burukrasya ng pamahalaan na ipinanukala ng Department of Budget and Management (DBM).

Sinabi ni Zubiri na kailangan pang magkaroon ng masusing talakayan sa mga economic managers ng pamahalaan hinggil sa rightsizing sa burukrasya, particular sa DBM at Department of Finance (DOF).

“I shall seek clarification first with the DBM and the DOF before I make any further comment on rightsizing,” aniya.

Nitong Miyerkules, inihayag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na plano ng administrasyon na humingi ng awtoridad sa Kongreso upang magsagawa ng rightsizing sa burukrasya si Marcos upang makatipid.

Aniya, kasalukuyang sinusuri ng ahensiya ang 187 ahensiya, departments, tanggapan at kawanihan kabilang ang government-owned and controlled corporations (GOCCs)— na may tinatayang 2 milyong katao na dedundant at overlapping functions. Ernie Reyes