Lee Min Ho congratulates Park Shin Hye, fans kinilig!

Lee Min Ho congratulates Park Shin Hye, fans kinilig!

January 24, 2022 @ 12:33 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Halos lahat ng kilalang Korean celebrities ay present sa wedding ng The Heirs star na si Park Shin Hye at Choi Tae Joon.

Pero ang netizens, iba ang inabangan! Ang message lang naman ni Lee Min Ho para sa The Heirs co-star niya.

Simple pero iba talaga ang dating ng IG post ni Min Ho. Bukod sa picture niya in a suit, makikita ang small part ng wedding invitation ni Shin Hye at ang pinaka-kumuha sa attention ng lahat, she addressed him lang naman as Kim Tan!

Wait, there’s more. Caption lang naman ni Min Ho, “Do I congratulate you?” na for sure ay hindi makakalimutan ng fans na famous line sa The Heirs na “Do I like you?”

Kilig, ‘di ba? But let’s get back to the real life couple, the real kilig.

2017 nang maging magkarelasyon sina Shin Hye at Tae Joon, 2018 naman nang i-announce nila in public at heto na nga guys, it’s 2022 and they’re finally married and expecting a little angel! Paula Jonabelle Ignacio