Lee, pabigat kaya iniwan ni Pokwang!

Lee, pabigat kaya iniwan ni Pokwang!

July 12, 2022 @ 7:15 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Tamad. Pabigat.

Dalawa lang ito sa mga umano’y dahilan kung bakit nagdesisyon nang hiwalayan ni Pokwang ang Amerikanong asawang si Lee O’Brian.

Inirereklamo raw ng komedyana ang pagiging tamad ni Lee, dahilan para hindi nito nakuha ang loob ng pamilya ni Pokwang.

All this time daw ay si Pokwang lang ang nagtatrabaho habang hindi man lang daw humanap ng paraan si Lee para buhayin ang kanyang pamilya.

Nagkataon pang may anak sila ni Pokwang.

Sa madaling salita, pabigat daw si Lee.

Kaya totoo ang sinabi ni Pokwang na walang third party sa paghihiwalay nila.

Anang source ng Remate Online, “Hindi ma- take ni Pokwang na siya pa ang bubuhay sa asawa niya sa halip na siya ang buhayin. Inakala kasi niya na porke Amerikano ang inasawa niya, eh, mayaman si Lee.”

Ito ang dahilan kung bakit hindi raw tanggap ng pamilya ni Pokwang si Lee para sa komedyana.

Samantala, matagal na palang alam ng BFF ni Pokwang na si K Brosas ang paghihiwalay ni Lee at ng komedyana.

Ani K, wala raw lihim si Pokwang na hindi niya alam at vice versa. Ronnie Carrasco III