Leeg ni Sofia Andres, may malaking kissmark?

Leeg ni Sofia Andres, may malaking kissmark?

September 17, 2020 @ 12:00 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Usap-usapan ng ilang netizens ang isang malaking mapulang marka sa leeg ni Sofia Andres nang nag-post siya ng kanyang selfie sa kanyang IG account.

Super-hot ang pic na ‘yun ni Sofia dahil bare na bare ang kanyang dibdib at ang kanyang malalim na cleavage sa suot niyang blue na upper bikini.

Dahil sa kanyang suot ay marami ang nakapansin sa kanyang magandang necklace kung saan nandoon ang mga letra ng kanyang pangalan.

Marami ang pumuri sa kanyang pagiging hot momma at pati na rin sa kanyang necklace ngunit hindi nakaligtas sa mga mata ng netizen na may pangalang @laureann_kris ang kulay pulang marka sa tabi ng pinag-uusapang necklace.

“What is that red on your neck?” tanong ng netizen.

Sagot naman ni @rhen.heart: “Kiss mark.”

Ang kanyang comment ay sinundan niya ng “Jk” at “Hahaha” na ang ibig sabihin ay nagpapatawa lang siya.

Pansin naman ni @honeeeygal: “make up.”

As of press time ay hindi pa rin nilinaw ni Sofia kung ang pulang marka ba ay chikinini o make up.

Kung anoman ang pulang marka na ‘yon sa dibdib ni Sofia ay gusto naming segundahan ang sinasabi ng mga netizen na base sa kanyang hot pic, indeed, she is really hot.

Si Sofia ay meron nang isang anak sa kanyang non-showbiz partner. Joey Sarmiento


  •  
  •  
  •  

Loading...