Legail aid sa mga babaeng biktima ng karahasan, palalakasin ng SC

Legail aid sa mga babaeng biktima ng karahasan, palalakasin ng SC

November 22, 2022 @ 7:20 PM 5 days ago


MANILA, Philippines- Nangako ang Korte Suprema na aayusin ang pagkakaloob ng legal na tulong sa mga kababaihan na biktima ng karahasan.

Ito ang ipinangako ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa pagsisimula ng taunang paggunita sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW).

Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga opisyal at kawani ng Supreme Court, inihayag ni Gesmundo ang buong commitment at suporta ng Korte Suprema sa mga programa at hakbangin para mawakasan ang karahasan at lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa mga kababaihan.

“Increasing access to justice is one of the pillars of the Court’s reform agenda, the Strategic Plan for Judicial Innovations or SPJI, which seeks to enhance court processes and capabilities towards the delivery of responsive and real-time justice,” ani Gesmundo.

Kaugnay nito, sinabi ni Gesmundo na palalawigin at palalakasin ng SC ang Clinical Legal Education Program ng law schools sa iba’t ibang rehiyon at pag-revitalize sa Legal
Aid Program ng Integrated Bar of the Philippines. Teresa Tavares