Legal action vs. ‘di mahanap na mga manlalakbay galing S. Africa ikinokonsidera ng IATF – Duque

Legal action vs. ‘di mahanap na mga manlalakbay galing S. Africa ikinokonsidera ng IATF – Duque

December 8, 2021 @ 4:29 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Ikinokonsidera na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang legal action laban sa mga manlalakbay galing South Africa na hanggang ngayon ay nawawala dahil sa kakulangan ng impormasyon o maling detalye sa kanilang papeles.

Naunang inilahad ng Department of Health na hirap silang tukuyin ang kinalalagyan ng walong dayuhan dahil sa walang sapat na impormasyon.

“Kapag ito ay nahuli sila, masita sila, ay kakasuhan natin dahil hindi naman puwede ‘yung ganong naglalagay ka ng mga impormasyon na hindi tama, hindi totoo,” ani Duque sa Super Radyo dzBB.

“Kagaya niyan, gusto mo mag backtracing, mahihirapan ka mag backtracing dahil hindi mo alam saan mo sila hahanapin ngayon. So pinapaimbestiga pa rin natin yan at tinitignan ano ang mga lead.”

Sa kasalukuyan, pitong manlalakbay na lamang ang hindi pa nakikita habang ang isa naman ay naka-home quarantine na at negatibo na sa COVID.    RNT/FGDC