Legal assistance sa uniformed personnel isinulong sa Kamara

Legal assistance sa uniformed personnel isinulong sa Kamara

November 17, 2022 @ 1:56 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Lusot na sa tatlong komite sa Kamara ang panukalang magbibigay ng libreng legal assistance sa mga unipormadong tauhan ng gobyerno na makakasuhan kaugnay sa kanilang pagganap sa tungkulin.

Sa joint hearing ng House Committees on Justice, on Public Order and Safety, at National Defense and Security ay inaprubahan nito ang pagconsolidate sa 10 panukala, kasunud nito ay babalangkas na ng substitute bill at committee report na sya namang isusumite sa House Plenary para pagbotohan.

Sakop ng panukala ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP)
Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP).

Ang nasabing panukala ay isa sa priority bills ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang sponsorship bill sinabi ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, na nararapat lamang na bigyan ng ganitong tulong ang mga uniformed personnel upang lubos nilang magampanan ang kanilang tungkulin nang walang takot.

“Uniformed personnel of the government put their lives on the line on a daily basis so that people may enjoy the peace and order envisioned under the law. However, in the course of the performance of their duties a number of these personnels are at times accused of harassment, human rights violation, and other charges,” paliwanag ni Acidre.

Maliban kay Acidre ay kasamang may akda ng nasabing panukala sina House Speaker Martin Romualdez at Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez. Gail Mendoza