Legal force bubuuin vs demoralisasyon ng mga pulis – Abalos

Legal force bubuuin vs demoralisasyon ng mga pulis – Abalos

July 11, 2022 @ 1:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nangako si Interior Secretary Benhur Abalos na lilikha siya ng team na tutulong sa mga pulis na mahaharap sa asunto o legal battles upang mapigilan ang demoralisasyon sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Sa isinagawang flag-raising ceremony ng PNP sa Camp Crame, araw ng Lunes, sinabi ni Abalos na kung ang police officers ay nasangkot sa legal cases dahil ginawa lamang nito ng tama ang kanyang trabaho, mayroon aniya siyang team na tutulong sa mga Ito na suriin ang ebidensiya at lutasin ang usapin.

“Hindi ako papayag ma-demoralize ang ating mga pulis, gagawa ako ng sistema to raise funds, titignan ko ito, kung nasa lugar at tama naman I will create a team to evaluate the evidence, ‘wag kayong mag-alala,” ayon Kay Abalos.

“Tutulungan ko ang mga kapulisyahan, I want you never to be demoralized, akin with our duty to uphold the law, to make sure that there is peace and order in our country,” dagdag na pahayag nito.

Inalala naman ni Abalos ang panahon kung saan isa pa lamang siyang Mandaluyong mayor, ang kanyang administrasyon ay mayroong ilang “good new police officers” na handang sumali sa anti-narcotics operations ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng city police

“At alam ko ako’y naging mayor noon, no’n kami’y merong DEU […] marami sa DEU namin sumasama, bago, neophyte, sasama sa raid, ano’ng gagawin no’ng mga drug pushers na mayayaman?  Gagawan ng kaso na hindi naman totoo,” ayon kay Abalos.

“So ‘yong pobreng pulis makikita ko talaga, talagang tama naman ang ginawa, mabait ‘yong tao, ‘yong kanyang sweldo pinangbabayad pa sa abugado.  ‘Yong kanyang oras nando’n sa PLEB (People’s Law Enforcement Board), naghi-hearing, at anytime kinakabahan baka matanggal sa serbisyo,” dagdag na pahayag nito.

Ito ang dahilan kung bakit natatakot na ang mga opisyal na sumali sa operasyon ng DEU sa hinahanap

“Ano’ng nangyari?  Susunod na raid ayaw na sumama, nagpapa-alam, ayaw na sa DEU.  Alam kong alam niyo, na-experiensya niyo ‘to, dahil ang kalaban natin ay pera, kalaban natin ay mga milyonaryo, malaking industriya ito,” ayon kay Abalos.

“Pero hindi tayo papatalo dahil ito’y [kinabukasan ng] ating mga anak, mga apo, at kinabukasan ng ating bansa,” aniya pa rin. Kris Jose