Legal remedies inirekomenda ng Comelec vs ibinasurang rehistrasyon ng PLs

Legal remedies inirekomenda ng Comelec vs ibinasurang rehistrasyon ng PLs

December 7, 2021 @ 8:36 AM 10 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na maaari umanong gumamit ang party-list groups na ibinasura ang rehistrasyon para sa Halalan 2022 ng ‘legal remedies’.

“There are legal remedies for this. Rallying in the streets is probably not a legal remedy,” ani Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang press briefing sa Maynila nitong Lunes.

“I am sure they have counsels and they can pursue these remedies. They should if they feel aggrieved. If they feel that we have shortcomings, then they should file the necessary pleadings,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Jimenez na ang pagkuha ng status quo ante order (SQAO) mula sa Supreme Court ang tamang paraan.

Nitong Lunes, nagtipon ang mga miyembro ng Nurses United at Guardians sa labas ng opisina ng Comelec sa Intramuros upang magprotesta hinggil sa desisyon ng poll body na tanggihan ang motions for reconsideration ng petisyon nila sa kanilang rehistrasyon.

Nangangahulugan na ito na hindi na sila kasama sa raffle na tutukoy sa order of listing sa official ballots na isasagawa ng Comelec sa Disyembre 10.

Subalit iginiit ni Jimenez sa mga makakukuha ng SQAOs na ilalagay ang mga ito sa dulo matapos ang raffle.

“They will be added at the end and will be listed alphabetically,” aniya. RNT/SA