Legal team umaasa sa paglaya ni De Lima sa Pasko

Legal team umaasa sa paglaya ni De Lima sa Pasko

October 29, 2022 @ 9:57 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umaasa ang kampo ni dating senador Leila de Lima na makakalaya na ito sa pamamagitan ng pagpiyansa pagsapit ng Pasko.

Ito ay makaraang patotohanan ng isang testigo ang pagbawi nito sa mga paratang laban kay De Lima.

“As expected, ‘di ba, in-affirm niya naman ‘yong kanyang recantation affidavit so that’s exactly what happened doon,” pahayag ng isa sa mga abugado nito na si Tony La Viña.

Matatandaan na kahapon, Oktubre 28 ay dumalo si dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos kung saan pinatotohanan niya ang sinabi noong Mayo 2022 na pinilit lamang siya ni dating Justice secretary Vitaliano Aguire II na akusahan si De Lima na sangkot sa drug trade sa loob ng New Bilibid Prison.

“Masyadong nagtatagal na ito eh, more than five years nang (nakakulong) si senator De Lima. Ako I think the people have already determined that she has to be freed at this juncture, immediately, hopefully before Christmas,” sinabi ng isa pa sa abugado niya na si Rico Domingo.

Siniguro naman ni La Vina na patas sa paghawak ng kaso ang presiding judge at dapat pagkatiwalaan ng mga taga-suporta ng dating senador ang judicial process.

“The judge was actually very fair in today’s proceedings, very well so we’ll have to trust the judge that he will make the right decision,” dagdag niya.

Sa ngayon ay mahigit limang taon nang namamalagi si De Lima sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame. RNT/JGC