Legarda kinilalang biodiversity hero sa Indonesia

Legarda kinilalang biodiversity hero sa Indonesia

November 7, 2022 @ 4:54 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng kanyang tanggapan, kinilala si Senador Loren Legarda bilang biodiversity hero ng Association of Asian Nations (ASEAN) nitong Lunes, Nobyembre 7.

Ayon sa pahayag ng kanyang tanggapan, kinilala si Legarda noong Nobyembre 2 sa Bogor, Indonesia para sa kanyang kontribusyon sa pagkilos sa pangangalaga ng biodiversity sa Pilipinas.

“It is an honor to be recognized by the Asean as one of this year’s Asean Biodiversity Heroes. It is heartening that what I advocated to do by being a planetary inhabitant has impacted not only my fellow Filipinos but also the peoples of Asean and hopefully the world,” ayon kay Legarda sa kanyang acceptance speech.

Nangako ang Senadora na palalakasin ang patakaran sa kapaligiran upang matiyak ang kabuuang implementasyon nito kabilang ang transisyon ng bansa patungo sa tinatawag na blue economy.

Kabilang sa batas na siya ang may-akda ay ang Ecological Solid Waste Management Act, Philippine Clean Air Act, Renewable Energy Act, at Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Inisponsoran din niya ang pag-aapruba ng Pilipinas sa ratipikasyon ng Paris Agreement, isang international climate change treaty, noong 2017.

Nagawaran din ng parangal ang Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao People’s Democratic Republic, Malaysia, Myanmar, Singapore, at Thailand.

Sinimulan ang Asean Biodiversity Heroes Awards noong 2017 bilang commemorative activities para sa 55th Asean anniversary at 17th Asean Center for Biodiversity anniversary.

Ibinibigay ang parangal bilang pagkilala sa sinumang miyembro ng ASEAN states na nagbigay ng malaking kontribusyon sa konserbasyon ng biodiversity sa kanilang bansa at rehiyon, pagpapataas sa biodiversity awareness, at pagsuporta sa layunin ng Asean na “One Community.” Ernie Reyes