Legarda nanguna sa March OCTA survey

Legarda nanguna sa March OCTA survey

March 31, 2022 @ 7:02 AM 3 months ago


Manila, Philippines-Patuloy na lumalamang si senatorial candidate at Antique Rep. Loren Legarda sa mga senatorial survey makaraang manguna ito sa pinakahuling OCTA Research results.

Lumabas sa survey na isinagawa mula Marso 5 hanggang 10 na nakakuha si Legarda ng 69% boto na may 99% awareness ng mga respondent.

Sumunod sa kanya si dating Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar na nakakuha ng 66% ng mga boto. Kasama rin sa top top sina Migz Zubiri, Chiz Escudeo at Raffy Tulfo.

 Kasama rin sa mga pasok sa Magic 12 sina  Alan Peter Cayetano, JV Ejercito, Robin Padilla, dating Vice President Jejomar Binay, Senator Sherwin Gatchalian, Jinggoy Estrada, at Senator Joel Villanueva.

Pasok naman sa pang-12 hanggang 13 pwesto si dating Senator Risa Hontiveros.

Nabatid na laging pasok sa OCTA Research survey si Legarda at dating itong nasa pangalawa hanggang pangatlong pwesto. RNT