Legarda sa Cha-cha: ‘Di napapanahon

Legarda sa Cha-cha: ‘Di napapanahon

March 1, 2023 @ 1:52 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi sinang-ayunan ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang mga hakbang na mag-aamyenda sa 1987 Constitution.

Ani Legarda, sa halip ay dapat na pagtuunan muna ang pagresolba sa inflation, kahirapan at unemployment sabay sabing ang Pilipinas ay nasa ilalim pa rin ng COVID-19 pandemic.

“This happens every new administration or perhaps even every Congress, there are always attempts to revise or amend the Constitution,” anang senador sa panayam ng ANC nitong Miyerkules, Marso 1.

“Would the supposed economic provisions — and they must specify which — solve the problems of the everyday man?”

Kamakailan ay inaprubahan na ng House panel ang panukalang amyendahan ang Konstitusyon ng bansa sa pamamagitan ng constitutional convention.

Samantala, sinabi nauna nang sinabi ng

National Economic and Development Authority na aabutin ng P28 bilyon ang gastos sa election exercises para amyendahan ito.

Para kay Legarda, mas mainam na labanan muna ng pamahalaan ang inflation na bumilis pa sa 8.7% nitong Enero.

Dagdag pa ay ang paglobo ng utang ng bansa sa P13 trilyon noong 2022.

“For those espousing an amendment to Constitution, is it really the way towards a sustainable pandemic recovery? Which would bring employment to our people? Which could cure the issues that I just mentioned? And my clear answer is a categorical no,” ani Legarda.

“They have their point. [I’m] willing to listen, but spending billions of pesos for a constitutional convention would be against I think the mandate that the people have just given me. So, I’m not in favor,” dagdag niya. RNT/JGC