Legislative agenda para sa 2023, tinalakay nina Marcos, Zubiri, Romualdez

Legislative agenda para sa 2023, tinalakay nina Marcos, Zubiri, Romualdez

January 28, 2023 @ 11:06 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga pinuno ng Kamara at Senado nitong Biyernes upang talakayin ang legislative agenda ng administrasyon para sa taong ito.

Ipinost ng Presidential Communications Office (PCO) sa social media ang larawan ng pulong ni Marcos kina Senate President Juan Miguel Zubiri at Speaker Martin Romualdez.

Hindi naman nagbigay ng karagdagang impormasyon ang PCO ukol dito.

Balik-sesyon ang Senado at Kamara ngayong linggo.

Nitong Martes, sinabi ng Department of Budget and Management na target ng administrasyon ang Progressive Budgeting for Better and Modernized Governance Bill, Budget and Treasury Management System, National Government Rightsizing Program, at ang Maharlika Investment Fund.

Itinutulak din ni Marcos ang ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership, isang mega-trade deal sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations at partners nito sa Australia, China, Japan, South Korea, at New Zealand.

Base sa PCO, 10 sa 20 priority legislative measures na binanggit ng Pangulo sa unang State of the Nation Address noong Hulyo ang naipasa ng Kamara at naipadala na sa Senado hanggang nitong Enero 18. RNT/SA