Legislative bldg sa QC ni-lockdown; 3 konsehal, 7 staff may COVID-19

Legislative bldg sa QC ni-lockdown; 3 konsehal, 7 staff may COVID-19

July 14, 2020 @ 7:36 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Isinailalim sa lockdown ang legislative branch sa Quezon City Hall matapos na magpositibo sa COVID-19 ang tatlong konsehal at pitong office staff.

Ito ang siyang inihayag ni QC Vice Mayor Gian Sotto subalit tumanggi naman itong pangalanan ang mga indibidwal na nahawaan ng naturang sakit.

“Upon the recommendation of the City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), the Quezon City Legislative building will be temporarily closed after test results of three City Councilors and several office staff came back positive for COVID -19,” base sa inilabas na public service announcement ng QC LGU.

Ayon kay Sotto, na siyang City Council Presiding Officer, ang pansamantalang pagpapasara sa legislative building ay tatagal ng limang araw simula July 15 hanggang July 19 o hanggang sa makumpleto na ng CESU ang mga ‘testing’ at ‘containment measures.’

“The CESU will conduct exhaustive contact tracing as approriate, and follow-up testing as necessary,” saad pa ni Sotto.

Pinayuhan naman ng bise-alkalde ang publiko na manatiling kalmado at mapagbantay habang patuloy na nilalabanan ang COVID-19. Jan Sino Cruz


  •  
  •  
  •  

Loading...