Leni nakipagkita sa transition team ni Sara

Leni nakipagkita sa transition team ni Sara

June 4, 2022 @ 10:15 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakipagkita na si outgoing Vice President Leni Robredo sa mga kinatawan ni Vice President-elect Sara Duterte para sa transition talks.

Winelcome ni Robredo at binigyan ng tour ang transition team ni Duterte sa naging pagbisita ng mga ito sa Office of the Vice President (OVP) sa Quezon City.

Sa naging pagpupulong, sinabi ni Robredo na handa siyang magbigay ng tulong at gabay upang matiyak ang smooth transition sa susunod na administrasyon.

Nito lamang Hunyo 1, nagsagawa ng Zoom meeting ang transition teams kung saan tinalakay ang overview ng organisasyon at primary reforms at mga proyekto sa ilalim ng termino ni Robredo.

Samantala, nakahanda na ang San Pedro Square sa Davao City para sa inagurasyon ni Vice president-elect Sara Duterte sa Hunyo 19.

Nauna rito, sinabi ni Sara Duterte na nais niyang magtatag ng satellite offices sa iba’t ibang rehiyon upang dalhin ang serbisyo malapit sa mga tao. Kris Jose