LENTE: Pagbibigay trabaho ng gov’t officials ginagamit sa ‘legal vote buying’

LENTE: Pagbibigay trabaho ng gov’t officials ginagamit sa ‘legal vote buying’

October 27, 2022 @ 10:50 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ibinunyag ng poll watchdog na Legal Network for Truthful Elections o LENTE na maraming job orders na nagtatrabaho bilang coordinators upang makapagsagawa ng “legal” vote buying na may kaugnayan sa pangangampanya sa halalan.

Ang natuklasan ng Lente ay kasunod ng isinagawang 12 lingguhang  monitoring effort sa Abuse of State Resources (ASR) na ayon sa poll watchdog ay isang uri ng political corruption sa bansa.

Sinabi pa ng poll watchdog na ang mga kandidato at political parties at ginagamit ang kanilang kapangyarigan at government resources upang makakuha ng pagkakataon makalamang sa halalan.

Kasama sa ASR ang ilang pang-aabuso kabilang ang pang-aabuso sa financial resources,  institutional resources, regulatory/legal resources, at coercive/enforcement resources.

Ipinaliwanag ng Lente na kanilang pagsasaliksik, napag-alaman na ginagamit ang maraming  job orders bilang uri ng  “legal” vote-buying.

Idinagsag pa na sa ilalim ng Local Government Code, ang mga  local chief executives ay may kapangyarihan na masangkot at mag-hire ng job orders personnel nang mas maaga bago ang halalan.

Dahil dito, bahagi ng panukalang rekomendasyon ng Lente na may kaugnayan sa nasabing usapin ay ang pag-amyenda sa  Section 261 (j) ng Omnibus Election Code upang magtatag ng mekanismo para sa command responsibility ng lokal na punong ehekutibo /mayor, kung sakaling ang may kagagawan ng ASR ay isang empleyado ng lokal na pamahalaan, o sa ilalim ng kontrata ng job order.

Hiniling din ang pag-amyenda ng Comelec-CSC Joint Circular No. 1 S. 2016 o ang  Advisory on Electioneering and Partisan Political Activities na isama ang  job orders sa ilalim ng pagbabawal sa pakikisali sa  Electioneering and Partisan Political Activities.

Ilan sa mga respondents din ang nagbunyag na karamihan sa naging obserbasyon na may kinalaman sa nasabing pang-aabuso ay ang presensya ng mga pulitiko SA pagbibigay ng ayuda ng DSWD  at iba pang programa ng gobyerno tulad ng  DOLE-TUPAd, ayon sa poll watchdog.

Gayuan, sinabi ng Lente na nahihirapan ang pangkalahatang publiko na makilala ang pagkakaiba  sa pagitan ng legitimate social services at ASR  ng incumbent officials. Jocelyn Tabangcura-Domenden