Leo Austria sinipa bilang coach ng San Miguel

Leo Austria sinipa bilang coach ng San Miguel

January 22, 2023 @ 12:18 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tinanggal bilang coach ng San Miguel Beermen si Leo Austria at ginawa itong team consultant at pinalitan ito ni Jorge Galent  para timunin ang PBA Governors’ Cup.

Kinumpirma ni San Miguel team manager Gee Abanilla ang development matapos i-post ng PBA ang mga opisyal na line-up para sa darating na conference kasama si Galent bilang head coach.

Sinabi ni Abanilla na nakipag-usap si Austria sa management kamakailan tungkol sa kanyang balak na pansamantalang mag-leave sa coaching.

“Nakipagpulong si Coach Leo sa management ilang araw na ang nakakaraan at ipinaalam sa amin na gusto niyang kumuha ng coaching sabbatical para sa mga personal na dahilan simula sa Governors’ Cup.

Iginagalang namin ang kanyang desisyon at naiintindihan namin ang kanyang sitwasyon dahil buo kaming sumusuporta sa kung ano man ang kanyang kailangan,” ani Abanilla sa isang pahayag.

“With this development, he will remain with the team as a consultant and we have elevated Coach Jorge Galent as the Head Coach. Si Coach Jorge ang papalit sa pagdadala ng PBA head coaching experience at isang exciting na future para sa franchise,” ani Abanilla.

“Sa mga tagasuporta ng SMB, makatitiyak na patuloy tayong magtutulungan at magsusumikap para sa matagumpay na kampanya sa Governor’s Cup pataas,” ani Abanilla.

Inalis si Austria matapos gabayan ang Beermen sa siyam na kampeonato sa kanyang walong taong panunungkulan sa ballclub. Ang kanyang pinakahuling kampeonato ay noong 2022 Philippine Cup noong Oktubre sa seryeng tagumpay laban sa TNT.

Si Austria  ang coach ng  Beermen sa Commissioner’s Cup pero lumiban ng ilang laro dahil sa health protocols ng liga dahilan para pansamantalang palitan siya ni Galent na nagkapagtala ng anim na sunod na panalo bago bumalik si Austria sa sideline sa Game Two ng kanilang semifinal series laban sa Bay Area.JC