Leocadio Sebastian, itinalagang undersecretary ng Rice Industry Development

Leocadio Sebastian, itinalagang undersecretary ng Rice Industry Development

February 10, 2023 @ 4:28 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Itinalaga bilang undersecretary ng Rice Industry Development ng Department of Agriculture si resigned undersecretary Leocadio Sebastian.

Kinumpirma ito sa pamamagitan ng appointment paper ni Sebastian na may petsang Pebrero 8, 2023 na ibinahagi sa mga mamamahayag nitong Biyernes, Pebrero 10.

Sa appointment paper na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, tinukoy dito na si Sebastian ay maaaring mag-representa sa DA Secretary sa mga usapin patungkol sa bigas, at hindi limitado maging sa
Rice Competitiveness Enhance Fund – Program Steering Committee, Philippine Rice Research Institute Board of Directors, National Food Authority Council, National Irrigation Administration Board of Trustees, at International Rice Research Institute Board of Trustees.

Sa kasalukuyan ay nananatiling si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang umuupo bilang kalihim ng agriculture sector.

Samantala, pangungunahan naman ni Sebastian ang pagbuo ng operational plans para sa pag-usbong ng industriya ng bigas sa bansa, maging ang pagpapatupad sa Rice Industry Roadmap. RNT/JGC