Leody ayaw maging labor sec sa sunod na administrasyon

Leody ayaw maging labor sec sa sunod na administrasyon

April 26, 2022 @ 9:35 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Walang balak si Labor leader Leody de Guzman na magsilbi bilang Kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE) kapag nabigo itong masungkit ang pagka-pangulo sa May elections.

Sakali aniya na matalo siya sa halalan at inalok siya ng susunod na chief executive na maging labor secretary, kaagad aniya niya itong tatanggihan bunsod ng pagkakaiba sa posisyon sa mga usapin sa paggawa.

“Hindi ko tatanggapin dahil alam ko magkaiba kami ng framework sa pagtakbo. Karamihan, halos lahat, sa mga tumatakbo ngayon ay magpapatuloy ng dating policy na ginawa sa nakaraan — idaan sa kamay ng mga malalaking negosyante ‘yung pag-unlad ng bansa,” ayon kay de Guzman.

Nangako rin ito na kaagad na tutuldukan ang contractualization sa pamamagitan ng executive order kapag nahalal siya bilang Pangulo.

Bahagi ng kanyang plano ang ipasara ang manpower agencies, tinawag niya itong “face” of contractualization, hangad niya na isulong para sa direct hiring para palakasin ang labor market. Kris Jose