Leon, bukas sa pakikipagbati kay Dennis!

Leon, bukas sa pakikipagbati kay Dennis!

November 28, 2022 @ 7:19 AM 2 months ago


Manila, Philippines – May kasabihan ngang “Time heals all wounds.”

Ito ang pinaniniwalaan ni Leon, isa sa tatlong anak ni Dennis Padilla kay Marjorie Barretto, the two others being Julia and Claudia.

Sa panayam ng PEP kay Leon, ipinagtapat ni Leon na hindi niya isinasara ang posibilidad na magkakaayos sila ni Dennis.

“In God’s perfect timing. Nami-miss ko rin ang dad ko. I just want peace for everybody,” tugon ni Leon sa tanong if he’s willing to reconcile with his comedian-dad.

Matatandaang nitong June, idinaan ni Leon sa kanyang social media account ang kanyang hinampo sa ama.

Katwiran ni Leon, hindi na raw dapat isinasapubliko ni Dennis ang tampo nito sa kanyang mga anak.

Hindi kasi itinago ni Dennis ang kanyang sama ng loob noong hindi siya binati ng mga anak noong Father’s Day.

Leon strongly felt na pamamahiya raw ang ginawang pagpopost ng ama ng saloobin nito.

Leon maintained that since it was a family matter, dapat daw ay pinag-usapan nila ito in private.

Masagwa raw tingnan na ang tatay pa ang siyang maglalagay sa mga anak sa isang embarrassing situation.

Sang-ayon naman si Julia sa pananaw ni Leon, at sinabing hindi pa siya handang humarap kay Dennis dahil sa takot.

Dumepensa naman si Dennis sa pagsasabi na kung anuman daw ang ipinahayag ni Julia sa panayam sa kanya ni Karen Davila ay kalahati lang ‘yon ng kabuuang katotohanan.

Nakiusap si Dennis na mainterbyu rin ni Karen pero pumagitna na ang Viva na siyang home studio ni Dennis para itigil na nito ang pagsisiwalat ng kanyang mga hinaing sa anak, Julia being a Viva artist as well.

Now, with Leon’s willingness to reconcile with his dad, ganito rin kaya ang nararamdaman ni Dennis? Ronnie Carrasco III