LEPT examinees sa Sept. 2021 inilabas na ng PRC

LEPT examinees sa Sept. 2021 inilabas na ng PRC

July 14, 2021 @ 1:28 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Inilabas na ang listahan ng examinees para sa September 2021 Licensure Examination ng  Professional Teachers.

Sa ulat, isinapubliko ng Professional Regulation Commission – National Capital Region ang unang batch ng mag-e-exam na nasa 4,000 at makikita sa https://www.prc.gov.ph.

 “Applicants not in the list shall be included in the second, third, and fourth batch, prospectively.”

Isasagawa naman ang mga pagsusulit sa September 26, 2021 (1st batch); January 30, 2022 (2nd batch); March 27, 2022 (3rd batch); at June 26, 2022 (4th batch). RNT/FGDC