Leptospirosis cases sa Pinas sumipa sa 2,794

Leptospirosis cases sa Pinas sumipa sa 2,794

November 26, 2022 @ 12:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Umakyat sa kabuuang 2,794 ang mga kaso ng leptospirosis sa Pilipinas mula Enero 1 hanggang Oktubre 29 ,ayon sa datos ng Department of Health na inilabas noong Biyernes.

Ang bilang na ito ay 68% na mas mataas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon, na nasa 1,661.

Tumaas din ang bilang ng mga namamatay dahil sa leptospirosis sa 370, mula sa 178 noong 2021.

Pinaalalahanan ng DOH ang publiko na nag kaso ng leptospirosis ay tumaas sa panahon ng tag-ulan kung saan maraming lugar ang binaha.

Ang leptospirosis ay kabilang sa mga sakit na dahilan sa pagtaas ng bilang ng mga pasyente na naghahanap ng dialysis na paggamot sa National Kidney and Transplant Institute.

Sinabi ng DOH na tutulong na ang Philippine National Police at ang Philippine Army sa NKTI ay nangakong magde-deploy ng ilan sa kanilang mga nurse. Jocelyn Tabangcura-Domenden