Letran, ‘go-out, all-out’ kontra San Beda

Letran, ‘go-out, all-out’ kontra San Beda

August 8, 2018 @ 6:31 PM 4 years ago


 

NCAA – Hindi pakakampante ang Letran Knights sa susunod nilang laban kontra defending champ San Beda University Red Lions sa NCAA 94 men’s basketball sa Biyernes (August 10).

Ito ang iginiit ng Knights head coach na si Jeff Napa at sinabing paghahandaan nilang mabuti at sisiguruhing magiging maganda ang laban.

“We have to be ready against San Beda. San Beda is the defending champion, is our rivalry kaya magiging maganda ang laban namin on Friday. So, rest assure we will give my best, go-out, all-out, big heart,” aniya.

Handa namang rumesbak si Jerrick Balanza para sa Letran, “kasi, sa totoo lang nu’ng juniors pa lang ako sinasaktan na talaga nila [San Beda] ako eh, lagi kaming natatalo sa kanila, so ganun hanggang college hindi ako umalis ng Letran, so sila pa rin San Beda. Kapag sila pa rin kalaban namin iba talaga, ibang laban talaga ‘yun.”

Sa ngayon ay malinis ang rekord ng San Beda sa 4-0 standing habang 4-1 naman ang naghahamon na Letran. (Remate News Team)