Leyte Rep. Roger Mercado itinalagang bagong DPWH chief

Leyte Rep. Roger Mercado itinalagang bagong DPWH chief

October 13, 2021 @ 6:28 PM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Roger Gaviola Mercado bilang Acting Secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nagbitiw kasi dating DPWH Sec. Mark Villar sa kanyang puwesto dahil tatakbong senador sa 2022 national at local elections.

Ang appointment paper ni Mercado ay nilagdaan ni Pangulong Duterte kahapon, Oktubre 12, 2021.

“Pursuant to the provisions of existing laws, you are hereby appointed Acting Secretary, Department of Public Works and Highways.

By virtue hereof, you may qualify and enter upon the performance f the duties of the office, furnishing this Office and the Civil Service Commission with copies of your oath of office,” ang nakasaad sa appointment paper ni Mercado. Kris Jose


  •  
  •  
  •