Leyte Rep. Romualdez, hinirang na ika-24 House Speaker

Leyte Rep. Romualdez, hinirang na ika-24 House Speaker

July 25, 2022 @ 1:56 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Gaya ng inaasahan, si Leyte Rep. Martin Romualdez ang hinirang na Speaker ng House of Representatives.

Nasa 283 kongresista ang bumoto pabor sa liderato ni Romualdez, 22 ang hindi nagpartisipa, apat ang nag-abstain, habang nag-“no” naman si Albay Rep. Edcel Lagman.

Nasa 309 mambabatas ang present sa pagbubukas ng 1st Regular Session ng 19th Congress kung saan dumalo din sa opening ng session sa Batasang Pambasa si Vice President Sara Duterte.

Bagama’t si Romualdez ang nag-iisang nominado sa Speakership ay kailangan pa rin na magkaroon ng botohan.

Pagkaraan ianunsyo ang naging botohan ay agad na sinimulan ang oath of office ni Romualdez.

Si Ilocos Norte Rep Sandro Marcos, ang syang nagnominate sa kanyang tiyuhin, sinabi ng batang Marcos ang kuwalipikasyon ni Romualdez ay sapat para pamunuan nito ang Kamara.

“The House needs someone who believes that as the dust settles, the time for politics must end and the time for public service begins. Much has been said about Rep. Romualdez but his qualifications are beyond sufficient to lead us to greater heights,” pahayag ni Marcos.

Kabilang sa nagsecond the motion sa nominasyon ni Marcos ay sina Reps. Ralph Recto, Roberto Puno, Camille Villar Kristine Singson-Meehan, Raymond Democrito Mendoza at Dong Gonzales.

Sinabi ni Recto na ang malawak na karanasan ni Romualdez hindi lamang sa pulitika kundi maging sa private sector ay sapat para pamunuan nito ang Kamara.

“If educational credentials will be the criteria, then his Cornell diploma and Harvard studies, his UP Law degree are more than proof of his surviving the rigors of academia. Rounding up his PPP experience – private, public – is philanthropy, such as the foundation that produces doctors. His giving to good causes is, however, mostly done in private, because he believes that the best form of altruism is done anonymously. While others chase headlines, he searches for good bills instead, and whenever he finds one, he does not loudly annotate a work in progress through tweets, but lets the finished product speak for itself,” ayon kay Recto.

Sinabi naman ni Albay Rep. Joey Salceda na binoto nya si Romualdez dahil ang 18th Congress kung saan nagsilbi ang huli bilang House Majority Leader ang maitututing na pinaka naging produktibong kongreso sa dami ng mga economic at fiscal reforms na naipasa.

“Representative Romualdez has been the workhorse of that moving chamber. We would not have been as productive without his leadership. Through the politics and pressures of public office, it was his silent but resolute work ethic that anchored the House on its goals and mission,” ani Salceda.

Si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at ngayon ay Pampanga Rep Gloria Arroyo ay bumoto din kay Romualdez sa pamamagitan ng zoom, hindi ito pisikal na nakadalo sa sesyon matapos magpositibo sa COVID. Gail Mendoza