LGBTQIA+ nagbunyi sa pagkatalo ni Pacman!

LGBTQIA+ nagbunyi sa pagkatalo ni Pacman!

August 24, 2021 @ 6:30 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Maraming kababayan natin ang nalungkot nang matalo si Manny Pacquiao sa WBA Welterweight Championship match nila ni Yordenis Ugas ng Cuba nitong August 22 kung paanong marami rin ang nagbunyi.

Kabilang sa mga natuwa sa pagkatalo ng tinaguriang Pambansang Kamao ay mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Magugunitang nagbitiw ng salita noon si Pacman na masahol pa umano sa mga hayop ang mga ito.

Bagama’t humingi na ng sorry si Pacman ay may ilan pa rin ang galit sa kanyang tinuran.

Sa kanilang magkakahiwalay na post sa social media, hayagang ikinatuwa ng ilang proud members ng nasabing komunidad ang sinapit ni Pacman.

Ayon sa direktor na si Andoy Ranay, “At natalo ‘yung unggoy.”

Post naman ni Adrian Lindayag na tampok sa pelikulang The Boy Foretold By the Stars: “Olat talaga pag homophobe.”

Nag-post naman si IC Mendoza, apo ng yumaong Inday Badiday at anak ni Dolly Ann Carvajal ng, “Lotlot.Laglag. LaOcean.” Ronnie Carrasco III