LGU employee huli sa pag-iingat ng pampasabog at baril

LGU employee huli sa pag-iingat ng pampasabog at baril

October 2, 2022 @ 10:08 AM 2 months ago


ARITAO, NUEVA VIZCAYA – Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang isang LGU employee  matapos  masamsaman ng mga pampasabog at baril sa isinagawang search warrant sa tahanan nito sa Brgy. Poblacion, Aritao, Nueva Vizcaya,

Kinilala ang suspek na si Elmer Peralta, 57 anyos,  Aritao LGU employee at residente ng nabanggit na Lugar.

Pinangunahan ang pagsisilbi  ng Search Warrant ng mga otoridad ng Nueva Vizcaya Provincial Field Unit-CIDG at Regional Field Unit 2 kasama ang Aritao Police Station, 2nd NVPMFC, NVPPO PIU at Nueva Vizcaya  PECU na nagresulta sa pagkakaaresto ng pinaghihinalaan.

Nakuha  sa tahanan ng pinaghihinalaan ang isang unit ng 60 mm Mortar bomb high explosive, 2 magazine ng Cal. 45, mga  Live Ammunition ng 9mm,  isang  Cal.  22 Pistol na naglalaman ng magazine

Nasamsam din ang isang Armalite Carbine 5.56 mm Airsoft na naglalaman ng magazine,  Isang Marksman 2004 Airsoft at Cal.22 airsoft na may empty magazine at Isang bottle copperhead pellet operasyon ay sinaksihan ng  mga opisyal ng barangay na nagtagal ng humigit kumulang limang oras.

Dinala ang  pinaghihinalaan at ang nasamsam na mga  pampasabog at baril  sa Aritao Police Station .

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act  10591 (Illegal Possession of Firearms) ang nasabing LGU employee. Rey Velasco