LGU ng Manila, dedma sa serye ni Azi Acosta!

LGU ng Manila, dedma sa serye ni Azi Acosta!

January 19, 2023 @ 11:25 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Hanggang ngayon ay wala pa ring reaction ang City of Manila sa paggamit ng “Manila” sa title ng sexy anthology series na “Erotica Manila” na ipalalabas sa Vivamax.

Kasama sa nasabing serye ang mga sex nymphets ng Vivamax na sina Azi Acosta at Cara Gonzales.

Sexy, rough at wild ang four-part Vivamax original series at ang mga titles nito ay mapangahas din gaya ng “Cinema Parausan” starring Azi and Alex Medina, “Girl 11” starring Cara, Josef Elizalde, and Chesca Paredes, “MILF and the OJT” starring starring Mercedes Cabral and Vince Rillon, at ang “Death By Orgasm” starring Alona Navarro, Felix Roco, and Benz Sangalang. Directed by Lawrence Fajardo.

Kilala ang LGU ng Manila na over protective sa imahe ng kanilang lugar.

Kung matatandaan, ang controversial Regal movie ni Ishmael Bernal na Manila by Night ay pinalitan ng title bago ipalabas sa mga sinehan.

Si Manila Muñoz ay inilunsad sa Regal movie na Lady L. May mga umangal sa screen name niya kaya ginawa siyang Maniya Muñoz.

Ang pelikula ni Robin Padilla na Manila Boy ay naging Boy na lang ang title nang ipalabas sa mga sinehan.

Nagprotesta ang MMDA Chairman noon na si Francis Tolentino sa paglalarawan ni Dan Brown sa Manila bilang “the gates of hell” sa nobelang Inferno.

Tanong nga ng netizens ay kung okay lang ba ngayon kina Mayor Honey Lacuña at Vice Mayor Yul Servo ng Manila ang title na Erotica Manila sa anthology series ng Vivamax?

Ipinost na ng Vivamax ang trailer ng Erotica Manila sa kanilang Facebook page at streaming na rin ang serye sa Vivamax on January 29, 2023. JP Ignacio