LGUs binalaan sa pagbebenta ng vaccine slots

LGUs binalaan sa pagbebenta ng vaccine slots

May 30, 2021 @ 4:08 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Nagbabala si Interior Secretary Eduardo Año ang mga lokal na pamahalaan na masasangkot sa pagbebenta ng vaccine slot.

“Ang importante mapigilan natin at warningan natin ang mga LGUs na may mga tao at empleyado na nag-iisip gawin yan,” ani Año sa isang panayam ng GMA News.

Siniguro rin ng DILG chief na iniimbestigahan si Kyle Bonifacio na sumuko sa awtoridad sa umano’y pagbebenta ng vaccine slot.

“Dapat patas lahat, walang unahan, walang palakasan. Kapag may nahuli tayo on the act talagang i-prosecute natin yan.”

“Ang biruan nga diyan, dapat daw ang mga taong gumagawa niyan, hindi bakuna ang ibigay, lethal injection,” punto ni Año. RNT/ELM