LGUs, DI PWEDENG MANGUMPISKA NG DRIVER’S LICENSE

LGUs, DI PWEDENG MANGUMPISKA NG DRIVER’S LICENSE

September 30, 2022 @ 8:39 PM 2 months ago


AYON sa Department of Interior and Local Government walang karapatan o kapangyarihan ang ahensiyang nasa ilalim ng kanyang pamunuan na mangumpiska ng lisensiya ng mga tsuper na lumabag sa batas.

Nilinaw ng DILG na tanging ang Land Transportation Office lang at mga deputized enforcer ang puwedeng mangumpiska ng driver’s license.

Pero sa Maynila, tuloy pa rin ang pagkumpiska ng enforcers ng Manila Traffic and Parking Bureau sa mga lisensiya dahil katwiran nila ay ipinatutupad lang nila ang ordinansa ng kanilang lungsod.

Ayon sa ordinance 8092, maaaring mangumpiska ng lisensiya ang traffic enforcers ng Manila. Magiging malaking problema ito dahil tiyak na mauuwi sa pagtatalo ito sa pagitan ng tsuper at enforcer.

Nakasaad sa R.A. 4136, LTO lang at kanilang DEPUTIZED enforcer ang may kapangyarihan na mag- confiscate ng driver’s license.

Nilinaw ito ng DILG- DOTC Joint Memo 1 2008 guidelines in the review of local ordinance concerning public transport.

Pero may basehan din ang LGU na ipatupad ang kanilang ordinansa ayon sa Local Government Code.
Yun nga lang may limitasyon ang ordinansa ng LGU ayon sa RA 4136.

“NO provincial board; City or municipal board or council shall enact or enforce any ordinance or resolution n conflict with the provision of this act.”

Malinaw na mali ang ginagawang pagkumpiska ng lisensiya ng enforcers ng Maynila na ang pinagbabasehan nila ay ang ordinansa.

Pwede namang isaayos ng alkalde ang problemang ito, lamang ay nag-iisip pa dahil nga naman ito ay ordinansang ipinasa.

Hindi ang mga opisyal ang kawawa sa sitwasyon i subalit ang mga motorista at enforcers dahil sila ang nagtatalo sa kung ano ba ang dapat.