LGUs handang magpatupad ng granular lockdowns —ULAP exec

LGUs handang magpatupad ng granular lockdowns —ULAP exec

December 30, 2021 @ 11:50 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Nakahanda ang local government units na magpatupad ng granular lockdowns kasunod ng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, batay sa opisyal ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP).

Sa panayam ng Dobol B TV, sinabi ni ULAP national president at Quirino Gov. Dakila Cua na ikinokonsidera ng LGUs ang pagdoble ng case rate sa healthcare capacity.

“Handa naman po ang LGUs sa sistemang granular lockdowns. Hindi naman po siya bago at dati na po natin itong ginagawa.”

Kahit pa aniya bumababa na ang kaso ng COVID noon, inihahanda pa rin ng LGUs ang mas maraming isolation units at healthcare capacity.

Maaalalang ikinaalarma ng OCTA ang pagtaas ng positivity rate hanggang 5%. RNT/FGDC