LGUs pinaghahanda ng anti-drug plan

LGUs pinaghahanda ng anti-drug plan

November 24, 2022 @ 6:00 PM 2 days ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Huwebes ang local government units (LGUs) na maghanda ng local anti-drug plan base sa sitwasyon at pangangailangan ng bawat lokalidad.

Batay sa DILG Memorandum Circular No. 2022-141, hinikayat ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. ang provincial at city o municipal local chief executives na bumuo ng 2023-2025 local anti-drug plan of action (LADPA) sa loob ng unang 200 araw sa opisina.

Kabilang dito ang kanilang anti-illegal drug programs at mga aktibidad base sa drug situation ng mga lokalidad.

Sinabi niya na dapat paglaanan ng budget ang mga programa at aktibidad mula sa kanilang annual budget na nakahanay sa anti-illegal drug efforts.

“Our anti-illegal drugs campaign takes a whole-of-government approach which would only be efficient if we are able to execute plans such as LAPDA and barangay anti-drug plan of action (BADPA) down at the grassroots. It is imperative that our LGUs work with us and draft their respective LADPAs and BADPAs in the barangays,” pahayag ni Abalos.

“The local Sanggunian shall appropriate the fund for the enforcement of the anti-illegal drug initiatives included in the LADPA and BADPA,” dagdag niya.

Sinabi ni Abalos na makatuutlong ang LGUs sa anti-drug advocacy campaign ng pamahalaan upang bawasan ang drug demand sa mga komunidad.

“Inaasahan po namin ang pakikiisa ninyo sa ating hangaring tuldukan ang iligal na droga sa bansa,” aniya.

Sinabi ni Abalos na dapat isama sa LADPA ang anti-illegal drugs situation ng mga lokalidad para sa accurate decision-making, gawing prayoridad ang anti-illegal drugs issues at challenges, supply at demand reduction, objectives upang tugunan ang local issues at challenges, critical policies, programs, projects, services and activities (PPPSAs) para sa anti-illegal drugs issues, at pagpopondo sa requirements ng PPPSAs.

“The planning and submission of LADPA shall be until December 2022, while the encoding of the approved action plan shall proceed from January to March 2023. Likewise, the preparation and submission of BADPA and its approval shall take place from January to May 2023,” patuloy niya. RNT/SA