Lianne Valentin, nakatikim ng totoong sampal kay Zoren!

Lianne Valentin, nakatikim ng totoong sampal kay Zoren!

September 1, 2022 @ 6:34 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Big break kay Lianne Valentin ang mapasama sa cast ng No. 1 afternoon soap ngayon ng Kapuso Network,  ang Apoy Sa Langit. Last  two weeks na lang ang airing ng soap na napapanood after Eat Bulaga.

Maraming natutunan si Lianne sa pag-arte sa tulong ni Direk Laurice Guillen at co-star na si Zoren Legaspi.

Sa last Zoom mediacon ng Apoy Sa Langit,  nasabi ni Lianne na pumasok siya sa lock-in taping nang hindi alam ang gagawin sa mga mahihirap na eksena kasama si Zoren.

Nagpasalamat din si Lianne sa mahihirap na eksenang kasama si Zoren lalo na sa mga bugbugan scene na kailangang i-execute ng makatotohanan.

Ani Lianne: “Totoo ang sampal na ginawa ni Zoren sa akin. Naramdaman ko ang sakit. Gusto naming makatotohanan ang lahat nang pag-arte namin.”

Si Direk Laurice ay nagulat sa galing ng kanyang mga artista. Noel Asinas