Cavite, Philippines – Hinatid na sa hulinghantungan ang pinatay na bise alkalde ng Trece Martires City, Cavite kahapon, (July 15) isang linggo matapos siyang paslanagin ng hindi pa nakikilalang suspek.
Vice mayor Alex’s wife, Gemma broke down after her speech. pic.twitter.com/JbbM2LML2K
— Kevin Manalo (@kevinmanalo_) July 15, 2018
Dumalo ang maraming taga-suporta niTrece Martires Vice Mayor Alex Lubigan para makiramay.

Photo (c) Kevin Manalo
Nakasuot ang mga resident ng puting damit at nagtali ng itim na ribbon sa kanilang mga braso upang manalangin ng katarungan sa pagpatay sa 44-anyos na lokal na opisyal.
Dumalo rin sa libing si Cavite Vice Governor Jolo Revilla upang makiramay sa pamilya ni Lubigan.
Noong July 7 pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek si Lubigan kasama ng kaniyang aide sa Trece Martires-Indang Road sa Cavite.
Pinaghihinalaan ng mga pulis na pulitika ang motibo sa nangyaring pamamaril.
Si Libigan ang ika-tatlong local na opisyal na napaslang sa loob lamang ng isang linggo. Nauna sa kaniya ay sina Tanauan City Mayor Antonio Halili ng Batangas at General Tinio Mayor Ferdinand Bote ng Nueva Ecija na namatay din sa pamamaril.
Noong July 11, pinagbabaril din ang vice mayor ng Sapa-Sapa town sa Tawi-Tawi ng hindi pa nakikilalang suspek. Kamakalwa naman, sugatang isinugod sa ospital ang dating vice mayor ng Sto. Tomas, Batangas matapos itong pagbabarilin. (Remate News Team)