Libo-libo pang contractual employees, target i-regular ngayong taon – DOLE

Libo-libo pang contractual employees, target i-regular ngayong taon – DOLE

July 18, 2018 @ 3:21 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Target ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mai-regular ang karagdagang 300,000 contractual workers ngayong taon.

Ito ang inihayag ni Labor Sec. Silvestre Bello kasunod ng pagkaka-regular sa 300,000 contractual employee kamakailan.

Paliwanag ni Bello na ang pagre-regular sa mga mangagagwa ay upang matuldukan na ang contructualization sa bansa.

Isa lamang sa malalaking kumpanya na inatasan ng DOLE na iregular ang kanilang empleyado ay ang Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT).

Mayroong  7,000 mangagagwa ang PLDT na dapat umanong iregular gayunman, hindi pa rin ito ipinatutupad ng dambulahang kumpanya. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)