LIBO-LIBONG TAGA-TAGUIG DUMAGSA SA BBM-SARA RALLY

LIBO-LIBONG TAGA-TAGUIG DUMAGSA SA BBM-SARA RALLY

April 26, 2022 @ 6:43 PM 2 months ago


IPINAKITA ng mga taga-Taguig ang kanilang solidong suporta sa tambalan nina presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running mate niyang si vice presidential frontrunner Mayor Inday Sara Duterte nang dumagsa sila sa grand rally ng tambalan sa Arca South, Taguig City nitong Linggo ng gabi.

Umaga pa lang, nagtungo na kami ng aking mga kasama sa lugar para makapuwesto nang malapitan sa entablado para makita ang mga pambato ng UniTeam at doon namin nakita ang dagsa ng libo-libong Taguigenyo,   dala ang kanilang mga tubig, pagkain, tarpaulin at suot ang kanilang mga pula at green na t-shirt na may mukha nina Marcos at Duterte.

Ayon sa nakausap naming loyalista na si Nanay Rosie Matibag, sabik sila makita sina Marcos at Duterte at ibinida niyang ang dalawa ang karapat-dapat na mamuno sa ating bansa kaya naman todo ang suporta nila. “Gustong namin makita si BBM tsaka si Sara dahil alam namin na sila lang ang may kakayahan mamuno sa ating bansa. Pumunta kami nang maaga para makapuwesto nang maayos, naghanda rin kami ng mga pagkain, tubig pati itong tarpaulin dinala ko na,” pahayag ni Nanay Rosie.

Sabi naman ng grupong kalalakihan, solid BBM-Sara UniTeam sila at totoong taga-Taguig sila na sumusuporta sa tandem ng BBM-Sara UniTeam. “Solid kami, solid BBM-Sara, magkakaibigan po kami, pinag-usapan na namin kagabi na pupunta po kami rito para suportahan sila, pero bukod para makita ko rin sila pati si Andrew E,” sambit nila. “Hindi kami hakot! Hindi rin kami bayad, taga-Taguig mismo kami na sumusuporta.

Nagpasalamat naman si Mayor Inday Sara sa organizer ng programa at sa mga Taguige√Īo na nakibahagi at naghintay sa kanila ni Marcos. “Pasalamat tayo sa organizers dahil tinulungan nila tayo na mabuo ang pagsasama-sama natin ngayong gabi at sa inyo, mga taga-Taguig, maraming salamat sa oras at oportunidad na binigay ninyo sa amin para makilala kayo, marami sa inyo kanina pang umaga,” Nagpaalala rin siya na magdala ng kodigo o sample ballot sa araw ng botohan ‚Äúdahil napakaraming pangalan na kailangan natin alalahanin.”

Lubos naman ang galak ni BBM sa ipinakitang suporta ng Taguige√Īo dahil sa matiyagang paghihintay ng mga ito. Habang nagsasalita siya, sumisigaw ang mga tao ng “hindi kami bayad, panalo ka na, solid Taguig.” Kaya sagot niya, ‚ÄúTama ‚Äėyan isigaw pa ninyo, para marinig ng buong Pilipinas na rito sa Taguig buo ang suporta ng Taguig sa likod ng UniTean at sa tambalang Marcos at Duterte.”

Inorganisa ng Next Gen For BBM ang programa, at sina Ai Ai Delas Alas, Bayani Agbayani at Randy Santiago ang mga naging host.