Libong alagang hamster pinagkakatay vs Omicron

Libong alagang hamster pinagkakatay vs Omicron

January 20, 2022 @ 6:56 AM 7 months ago


HONG KONG – Pinagkakatay ng mga awtoridad sa Hong Kong ang libo-libong alagang hamster makaraang kapitan ang mga ito ng Omicron variant ng COVId-19.

Ginawa ang pagkatay makaraang madiskubreng positibo sa Omicron variant ang 11 sa mga hamster na ibinebenta sa isang petshop na tinawag na hamster at galing sa The Netherlands.

Idinamay na ring pagkakatayin ang nasa 2,000 hamster na alaga ng mga mamamayan para maiwasan ang lalong pagkalat sa lugar ng nasabing variant.

Sinabi ni Leung Siu-fai, director of Hong Kong Agriculture, Fisheries and Conservation Department na hindi na kailangang i-quarantine ang mga hamster dahil matagal umanong proseso ito at kailangang aksyunan agad ang dala nilang Omicron variant.

Isa pa, mayroon na rin umanong naimpeksyon na tao mula sa mga may COVID na hamster.

Sa gitna ng pagkwestiyon ng mga may alaga sa pagkatay, sinabi ni Thomas Sit, isang beterinaryo at assistant director ng nasabing departamento kailangan na kailangan ang pagpatay dahil kinakailangan. Fred Cabalbag