Libreng cancer screening sa Lung Center

Libreng cancer screening sa Lung Center

December 1, 2022 @ 8:35 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isa ang lung cancer o kanser sa baga ang isa sa pinakakaraniwang sanhi ng pagkamatay ng tao sa buong mundo.

Bunsod nito abiso ngayon ng Lung Center of the Philippines na puwede nang ma-detect nang mas maaga ang naturang sakit kung magpapatingin ng maaga o sasailalim sa cancer screening.

Ayon sa World Health Organization (WHO) ang Lung Cancer ang ikalawa sa listahan ng pinakalaganap na uri ng cancer sa buong mundo noong 2020.

Sinabi ng medical expert na ang pangunahing sanhi ng kanser sa baga ay sanhi ng paninigarilyo at halos 90% ng mga pasyenteng lalaki na may kanser sa baga ay dahil sa paninigarilyo.

Nabatid pa sa ulat na ang matagal na pagkalantad sa usok ng ibang naninigarilyo ay dinodoble ang panganib sa pagkakaroon ng kanser sa baga.

Samakatuwid, dapat umanong kaagad na tumigil ang mga maninigarilyo para sa kapakanan ng kanilang sarili, kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan.

Kaugnay nito paalala ng Lung Center of the Philippines na maaari ng ma-detect ng naturang sakit kung magpapatingin ng maaga. Santi Celario