Libreng cervical cancer screening handog ng Navotas

Libreng cervical cancer screening handog ng Navotas

May 18, 2022 @ 2:15 PM 1 month ago


MANILA Philippines- Naghandog ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng libreng cervical cancer screening kabilang ang mga Barangay Health Workers (BHW) sa mga unang nabiyayaan.

Ang programa ay pinangunahan ng Navotas City Health Office at ni Mayor Toby Tiangco bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Cervical Cancer Consciousness Month. Ang libreng screening ay isasagawa tuwing araw ng Martes, mula alas-1 hanggang alas-3 ng hapon para sa mga Navoteña na 21 taong gulang pataas. Available ang 10-20 slots bawat schedule at may first come, first served policy. Jojo Rabulan